Bagong Tunog [Official SCPh Anthem] (Music and Lyrics by Jerome Cleofas)
https://api.soundcloud.com/tracks/105336293
This song is my way of expressing my pride and gratitude for being a part of the SoundCloud Philippines family. I wrote this song thinking, "ano kaya ang nasa kamalayan ng bawat amateur na Pilipinong soundclouder na tulad ko para magsingit ng oras mula sa'ming mga busy na schedule para gumawa ng cover at kumatha ng kanta?" This song is what I think answers that question. Hopefully, as I am singing this song, fellow Filipino SoundClouders are singing with me as well :) (shucks, ang drama. =P) Hope you guys like it and like our page: https://www.facebook.com/SoundCloudPH BAGONG TUNOG Music and Lyrics: Jerome Cleofas (Copyright 2013) Ako ang tinig na nagsisimula Ako ang himig ng bawat tula Ako ang sining na kumakatha Sa hiwaga't saliw ng tadhana Ako ang titik ng bawat salita Ang 'yong naririnig ay ang aking diwa Isang kamalayan na nais mapakinggan At ibahagi'ng nararamdaman Ang nais ko'y mapagtanto Ang nilalaman ng isip ko Chorus: Ito ang awit at kuwento ng buhay ko Isang kanta na inaalay ng aking puso Ito ang musikang dumadaloy sa'king dugo Ito ang bagong tunog na handog ko sa mundo Para sa pag-ibig na hinahagkan Para sa kaibigang pinasasalamatan Sa bawat saya at kalungkutan At sa pangarap na nais kamtan Sa labi ko mabubuo Ang katuparan ng pangarap ko Chorus: Ito ang awit at kuwento ng buhay ko Isang kanta na inaalay ng aking puso Ito ang musikang dumadaloy sa'king dugo Ito ang bagong tunog na handog ko sa mundo Minsan ay hapi, minsan ay senti Minsan mabagal at minsa'y rakrakan May tungkol sa ligaya at may kasawian May tagumpay at pati kabiguan Hayaan mong ang boses ko Ang magsalaysay ng damdamin ko Chorus: Ito ang awit at kuwento ng buhay ko Isang kanta na inaalay ng aking puso Ito ang musikang dumadaloy sa'king dugo Ito ang bago tunog na handog ko sa mundo

0 komentar:
Post a Comment